Kuwentong Yosi, Chikang Wala-Lang

Dumaan ako sa isang kainan sa Castro St. sa Taft para bumili ng yosi.

“Kuya, isang marlboro red.”

Wala raw. At sinabayan pa niya ng ibang klaseng pag-iling, na ang dating sa akin ay wala silang tindang kahit anong yosi. Kaya nilinaw ko.

“Kahit ano, wala?”

Philip Morris lang raw ang mayroon sila. Alumpihit ako noong una dahil bigla kong naisip ang stereotype ng yosing ito. Ito raw ang yosi ng mga kalapating mababa ang lipad o p….. (bahala na kayong magtuloy). Pero bigla kong naisip na bakit ba ako makikisali sa pag-iisip ng ibang tao. Sa tingin ko ay anti-babae ang gano’n, kaya binili ko.

Saka yosi ‘yon. Walang brand-brand at stereotype-stereotype sa taong yosing-yosi na.

——

Wordpress, 11.25.10

  1. lui-liit reblogged this from dunsaisawan and added:
    Kuya, isa nga pong Fortune.
  2. dunsaisawan posted this