Kung minsan, naiisip ko na sana ay nasa hayskul pa rin ako. Wala lang, madali kasi ang buhay ko noon. Di gaya ngayon, ang daming iniintindi; ang daming kailangang gawin. Pero bigla ko rin namang maiisip na, Ay, huwag pala. Dahil kahit papaano ngayo’y malapit na ako sa kalahatian ng buhay. Sayang ang mga karanasan.

Siyempre, chika lang. Alam ko naman talagang malayo pa. Ginogoyo ko lang ang sarili ko para pagtiyagaan ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan. Hay, buhay. Matutulog na nga lang ako. Goodnight, mundo. :)